Governance & Policy Breaking

TSISMIS NA BA ANG BATAYAN NG HUSTISYA SA PINAS?

Puro tsismis at ghost evidence na ba ang hustiya sa Pilipinas?

TSISMIS NA BA ANG BATAYAN NG HUSTISYA SA PINAS?

Puro tsismis at ghost evidence na ba ang hustiya sa Pilipinas? 

Walang forensic evidence…

Walang konkretong dokumento ukol sa flood control projects…

At ang mga paratang na ibinabato laban kay dating Speaker Martin Romualdez base lamang sa mga affidavit ng mga witness na nahaharap sa mga kasong perjury at cyberlibel. Sa maikling salita, walang mga kredibilidad! 

Mga tumayo ngang testigo sa korte pero sunod-sunod namang nag-recant o nagbawi ng kanilang mga testimonya, isang matibay na patunay na ang mga akusasyon nila laban kay Romualdez ay gawa-gawa lang. 

Nitong mga nakaraang araw, ginatungan pa ni Mon Tulfo ang isyu. Pero ang DILG at BJMP, diretsahang pinabulaanan ang ipinakalat niyang tsismis. Ang ending, umamin ang amo ni “tweety bird” na fiction lang ang inilabas niyang istorya sa media. 

Ito ang hamon ngayon sa hudikatura at mga anti-graft body: patunayan na ang hustisya sa bansa ay nakabatay pa rin sa solido, konkreto at matibay na ebidensya, at hindi sa political pressure o black propaganda!