Governance & Policy Breaking

Bakit si Martin Romualdez na naman? Pati ba naman kapalpakan ng gobyerno sa kaniya pa rin ang sisi?

Tuwing may lumalabas na matinding isyu o krisis ang gobyerno, iisa ang template at narrative ng mga kritiko ni Martin Romualdez: i-deflect agad ang sisi sa kaniya!

Bakit si Martin Romualdez na naman? Pati ba naman kapalpakan ng gobyerno sa kaniya pa rin ang sisi?


Pansin n’yo rin ba? 

Tuwing may lumalabas na matinding isyu o krisis ang gobyerno, iisa ang template at narrative ng mga kritiko ni Martin Romualdez: i-deflect agad ang sisi sa kaniya! 

Kahit wala namang matibay na ebidensya, ginagawa siyang pambansang bala ng mga may pansariling agenda para ilihis ang pansin at galit ng publiko mula sa mga tunay na may pananagutan.

Nang mapunta sa Malakanyang ang usapin ng flood control, biglang ang ipinalabas na naratibo ng mga kritiko at mga loyalista, si Romualdez daw ang "mastermind." 

Pero malinaw ang katotohanan—mismong ang mga state witness na ang nagpatotoo sa mga nakaraang bail hearing sa Sandiganbayan na walang anumang koneksyon si Romualdez sa maanomalyang flood control scandal.  

Nang hindi umubra ang banat nila, ang sinunod na naman nila ay ‘yung isyu ng 2027 Budget! Andaming nasilip na red flags pero ang sisi kay Romualdez na naman! Eh, hindi naman siya kasama noong budget deliberations. 

Pati ang bumabagsak na estado ng ekonomiya ng Pilipinas at pagsadsad ng piso pilit ding ikino-konekta kay Romualdez gamit ang mga ghost accusation. 

LET’S BE HONEST! Mas lalo pa ngang lumala at naging unstable ang sitwasyon sa Kongreso at sa ekonomiya noong hindi na Speaker si Romualdez. Sa totoo lang, ang pamumuno niya noon ang nagbigay ng stability sa mga batas na nagpapanatili ng kumpiyansa ng business community sa bansa. 

Kaya ang malaking tanong ngayon ng publiko: Bakit pilit na idinidiin si dating Speaker Martin Romualdez sa lahat ng isyu at kapalpakan ng administrasyon? Sa dami ng mga tumestigo sa iba't ibang imbestigasyon, walang kahit isa ang nakapag-konekta sa kaniya sa mga anomalya at iba’t ibang isyu!  

It’s about time na lalo pang maging matalino ang publiko. Hindi na ubra ngayon ang black propaganda, tsismis at mga ghost accusation. Huwag nating hayaan na gawing panakip-butas si Romualdez ng mga nakaupo sa gobyerno at mga pulitikong walang maipakitang solusyon kundi ang magturo ng sisi sa iba.